Sunday, August 17, 2008

MEMORABLE QUOTES FROM FPJ MOVIES

Part of the huge FPJ mural

ANG LALAKI, ANG ALAMAT, ANG BARIL (1978)

FPJ as Daniel Barrion ---“Huwag mong gawin sukatan ang baril sa katapangan ng isang tao. Ang baril ay parang kasangkapan lamang. Maaring gamitin sa kabutihan o kasamahan. Ang sino man magpadala sa kapangyarihan ng baril ay unti-unti nababaon sa sariling karahasan hanggang hindi na siya makabangon at tuluyan na mawasak ang nalalabing kabutihan at karangalan ng kanyang pagkatao. Kaya lagi mong tatandaan, ang baril ay isang mabuti at masunuring alipin nguni’t masama at malupit na panginoon.

SANTIAGO (1970)

FPJ as Gonzalo (a guerrilla who bombed a schoolbuilding not knowing it was filled with women and children) to a village woman (played by Boots Anson-Roa): “Hindi ako tumakas...tumalikod ako sa isang pakikipaglaban na walang katuturan--- isang digmaan na walang ibang biktima kundi mga taong walang malay.”

ASEDILLO (1971)

FPJ (as rebel Teodoro Asedillo) addressing the people of his hometown:San Antonio!!! Hindi ako maari magtaksil sa iyo. Kayong…mga taong batis, ang ilog at dagat…Ako…ay isda! Papaano ako mabubuhay kung wala kayo!”

AGUILA (1980)


FPJ (as Dan Aguila, the father) to son (played by Christopher de Leon): “Huwag mo na linlangin ang sarili mo, anak. Hindi ako ang hinahanap mo sa kabuuan ng iyong paglalakbay. Ang tunay na hinahanap mo ay kahulugan.”

KAHIT KONTING PAGTINGIN (1990)


FPJ and Sharon Cuneta: FPJ: “Ang problema sa ‘yo, maaga kang ipinanganak.” Sharon: Ang problema naman sa ‘yo, huli kang ipinanganak.”

HINDI PA TAPOS ANG LABAN

FPJ (as Carding Villamar) to Johnny Deldgado (as the Congressman): “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero gusto kong malaman mo na huwag ka munang magpaikot, Hindi pa tapos ang laban!”

BATAS SA AKING KAMAY

FPJ and Eddie Garcia: Eddie (as Major): “Marami ka pang bigas na kakanin.” FPJ: “Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin! Ikaw pala Major, bigas pa lang kinakain mo na.”

IYO ANG TONDO, KANYA ANG CAVITE

FPJ to Ramon Revilla: “ Kung sa Cavite ‘di ka nagsisimba, dito sa Tondo magsisimba ka nang may bulak sa ilong.”

KAPAG PUNO NA ANG SALOP

“Puno sa ang salop, dapat ka nang kalusin.”

AKO ANG HUHUSGA

FPJ as Lt. Isagani Guerrero to Eddie Garcia as Judge Vadlderama: “…bilis-bilisan mo… nagsimula na ang panibagong paglilitis mo… at ngayon… ako ang huhusga!!!

More:

“Kung kayo lang ang magiging kaibigan ko, bibili na lang ako ng aso.”

“ Umpisahan mo, ako ang tatapos”

“Buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran”

22 comments:

  1. Talagang si FPJ lang ang makakadeliver ng ganitong kahusay na mga quotes na nabanggit mo para sa akin. Wow! how bias I am pero what can I do idolo ko yata tong si FPJ... But no one can question FPJ's acting ability. He's one of the best actors for me or could be the best!

    ReplyDelete
  2. GAWA NA ANG BALA PARA SA IYO
    FPJ and Eddie Garcia: Eddie (as Major): “Marami ka pang bigas na kakanin.” FPJ: “Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin! Ikaw pala Major, bigas pa lang kinakain mo na.”

    Alam ko sir sa BATAS SA AKING KAMAY ito.

    ReplyDelete
  3. SANG BALA KA LANG
    “Puno sa ang salop, dapat ka nang kalusin

    eto pa sir, di ba sa KAPAG PUNO NA ANG SALOP part 1 ito?

    ReplyDelete
  4. Thanks Dale! Got mixed up. Rectify the error.

    ReplyDelete
  5. mga salitang tatak fpj
    kahit butas ng karayom papasukin ko
    isang bala ka lang
    umpisahan mo tatapusin ko
    hindi ka na sisikatan ng araw

    mga katagang tanging si fpj lamang ang makapag sasalita na may kakaibang dating.

    ReplyDelete
  6. happy birthday idol
    kahit hindi ka na namin kasama sa mundong aming ginagalawan, alam kong saan ka man naroroon batid mo ang patuloy naming pagmamahal sayo.

    ReplyDelete
  7. Hi Yuri! Tama ka talagang mahusay talaga ang idol natin si FPJ sa ganyang mga intense na mga quotes sa kanyang pelikula. He's my lifetime best actor. You're also right Yuri that FPJ is enjoying life in heaven and I know he's even happier na nalalaman nyang ang kanyang mga naiwan ditong legions of fans ay talaga namang nandito pa rin na patuloy na nagmamahal, sumusuporta, at talagang hindi nakakalimot gaya ng mga ganitong okasyon sa buhay nya. FPJ really lives on sa puso ng mga nagmamahal sa kanya gaya natin. thanks

    ReplyDelete
  8. talagang iisa lang ang hari ng pelikulang pilipino hanggang ngayon ay walang makapapalit kay fpj, matagal din akong nakasama sa mga pelikula nya bilang stuntman at personal kong napatunayan ang kababaang loob at pusong makamasa ni fpj o na higit na kilala sa tawag na "manager" sya lang ang tanging hari na makakasama mo sa kulitan, kantyawan, biruan at tawanan na di mo iisiping siya ag idolo mong hari ng aksyon. sapagkat likas sa kanya na maging malapit sa mga mababang tao o mahirap nakakatuwa pag naaalala ko na kung minsan pag tumawa si manager matagal at halos di makapag trabaho sa kakatawa humahagikgik nakakatuwa dahil pati ikaw madadala sa kanyang tawa. nakalulungkot lang isipin na di ko na muli pang maririnig ang tawang iyon. kaya naman ako kahit lalaki di ko napigilang mapaluha ng pumanaw ang taong pinagkautangan ko ng minsan ng aking hanapbuhay, napakabait ni manager. iba siya at wala ng pwedeng pumantay sa nagiisang hari dahil siya lamang ang HINUBOG at PINANDAY ng panginoong maykapal upang magbigay saya sa puso at isipan ng bawat pilipin. iisa lang ang FERNANDO POE JR. kung saan ka man naroon manager maraming maraming salamat po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr Zaldy Lazaro gusto ko po itanong curious lang po ako mahusay po ba tlga at mabilis po humawak ng baril si fpj or ngtraining po ba siya..maraming salamat po sa sagot

      Delete
  9. Message ito, para kay Zaldy Lazaro...Salamat sa iyong mga salita tungkol kay FPJ...siya talaga ang pinakamabait at miss din namin ang kanyang nakakahawang tawa..
    we miss him terribly !!

    ReplyDelete
  10. tahimik at masaya sana ang buhay mo, dahil na rin sa mga kaibigang nagtulak sa yo sa pulitika, sila dapat ang makonsensiya... hanggang kamatayan mo ay ginagamit ka pa rin nila . . .

    ReplyDelete
  11. talagang FPJ lives on,,,for me nobody does it better. pag siya na ang bumitaw ng linya talagang makatutuhanan,,,

    ReplyDelete
  12. hindi lahat ng taong nakikipaglaban ay pawang magigiting at dapat hangaan,dapat munang pag aralan bago palakpakan kung tama o mali ang paninindigan,

    ReplyDelete
  13. Idol talaga si FPJ, ang lupit. ito ang isa sa favorites ko; "pagdapo ng langaw sa bote, isa na sa atin ang lalangawin"

    ReplyDelete
  14. Bakit Wla yung,
    "Baka Bukas Di Kana Sisikatan ng Araw??

    ReplyDelete
  15. Sayang ka talaga FPJ. God knows who really won in 2004 Presidential Election. We proclaimed a wrong president. I'm a great fan of this man and I really love his movies. Your memories will always be remembered Sir!

    ReplyDelete
  16. "ang galit ang pumapatay sa liwanag ng ating pag iisip"

    "ang mga anak natin ang nagmamay ari ng ating kinabukasan"

    ReplyDelete
  17. salamat sa blog na ito.. hehe.. pero marami pang kulang na mga kataga ang wala pa dito na nasa kanyang pelikula lang maririnig at makikita..

    ReplyDelete
  18. Sang movie po nagpaliwang si fpj kung bkit itim at puti ang knyang baril

    ReplyDelete
  19. Anong palabas ni the king yung may puti at itim aiyang baril? Salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pag babalik ng probinsyano: hndi bat naitanong mo kung bakit dalawa ang baril ko isang itim at isang puti itong puti para sa mga taong walang budhi ito namanng itim para sa mga taong maitim ang buto

      Delete
  20. Kay fpj ba ang linya na to? " madilim man ang sikat ng araw para sa akin ngayon,pero patuloy pa rin itong sumisikat,kapag sa akin tumapat ang liwanag uusigin kita Hepe.!

    ReplyDelete