“I would highly appreciate very much if you would at least acknowledge any materials used or at least ask for a permission first. All materials, unless specified, are the personal property of the blog owner. Thank you very much!”


Sunday, August 17, 2008

MEMORABLE QUOTES FROM FPJ MOVIES

Part of the huge FPJ mural

ANG LALAKI, ANG ALAMAT, ANG BARIL (1978)

FPJ as Daniel Barrion ---“Huwag mong gawin sukatan ang baril sa katapangan ng isang tao. Ang baril ay parang kasangkapan lamang. Maaring gamitin sa kabutihan o kasamahan. Ang sino man magpadala sa kapangyarihan ng baril ay unti-unti nababaon sa sariling karahasan hanggang hindi na siya makabangon at tuluyan na mawasak ang nalalabing kabutihan at karangalan ng kanyang pagkatao. Kaya lagi mong tatandaan, ang baril ay isang mabuti at masunuring alipin nguni’t masama at malupit na panginoon.

SANTIAGO (1970)

FPJ as Gonzalo (a guerrilla who bombed a schoolbuilding not knowing it was filled with women and children) to a village woman (played by Boots Anson-Roa): “Hindi ako tumakas...tumalikod ako sa isang pakikipaglaban na walang katuturan--- isang digmaan na walang ibang biktima kundi mga taong walang malay.”

ASEDILLO (1971)

FPJ (as rebel Teodoro Asedillo) addressing the people of his hometown:San Antonio!!! Hindi ako maari magtaksil sa iyo. Kayong…mga taong batis, ang ilog at dagat…Ako…ay isda! Papaano ako mabubuhay kung wala kayo!”

AGUILA (1980)


FPJ (as Dan Aguila, the father) to son (played by Christopher de Leon): “Huwag mo na linlangin ang sarili mo, anak. Hindi ako ang hinahanap mo sa kabuuan ng iyong paglalakbay. Ang tunay na hinahanap mo ay kahulugan.”

KAHIT KONTING PAGTINGIN (1990)


FPJ and Sharon Cuneta: FPJ: “Ang problema sa ‘yo, maaga kang ipinanganak.” Sharon: Ang problema naman sa ‘yo, huli kang ipinanganak.”

HINDI PA TAPOS ANG LABAN

FPJ (as Carding Villamar) to Johnny Deldgado (as the Congressman): “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero gusto kong malaman mo na huwag ka munang magpaikot, Hindi pa tapos ang laban!”

BATAS SA AKING KAMAY

FPJ and Eddie Garcia: Eddie (as Major): “Marami ka pang bigas na kakanin.” FPJ: “Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin! Ikaw pala Major, bigas pa lang kinakain mo na.”

IYO ANG TONDO, KANYA ANG CAVITE

FPJ to Ramon Revilla: “ Kung sa Cavite ‘di ka nagsisimba, dito sa Tondo magsisimba ka nang may bulak sa ilong.”

KAPAG PUNO NA ANG SALOP

“Puno sa ang salop, dapat ka nang kalusin.”

AKO ANG HUHUSGA

FPJ as Lt. Isagani Guerrero to Eddie Garcia as Judge Vadlderama: “…bilis-bilisan mo… nagsimula na ang panibagong paglilitis mo… at ngayon… ako ang huhusga!!!

More:

“Kung kayo lang ang magiging kaibigan ko, bibili na lang ako ng aso.”

“ Umpisahan mo, ako ang tatapos”

“Buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran”

12 comments:

roland273839 said...

Talagang si FPJ lang ang makakadeliver ng ganitong kahusay na mga quotes na nabanggit mo para sa akin. Wow! how bias I am pero what can I do idolo ko yata tong si FPJ... But no one can question FPJ's acting ability. He's one of the best actors for me or could be the best!

dale said...

GAWA NA ANG BALA PARA SA IYO
FPJ and Eddie Garcia: Eddie (as Major): “Marami ka pang bigas na kakanin.” FPJ: “Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin! Ikaw pala Major, bigas pa lang kinakain mo na.”

Alam ko sir sa BATAS SA AKING KAMAY ito.

dale said...

SANG BALA KA LANG
“Puno sa ang salop, dapat ka nang kalusin

eto pa sir, di ba sa KAPAG PUNO NA ANG SALOP part 1 ito?

Video 48 said...

Thanks Dale! Got mixed up. Rectify the error.

yuri said...

mga salitang tatak fpj
kahit butas ng karayom papasukin ko
isang bala ka lang
umpisahan mo tatapusin ko
hindi ka na sisikatan ng araw

mga katagang tanging si fpj lamang ang makapag sasalita na may kakaibang dating.

yuri said...

happy birthday idol
kahit hindi ka na namin kasama sa mundong aming ginagalawan, alam kong saan ka man naroroon batid mo ang patuloy naming pagmamahal sayo.

roland273839 said...

Hi Yuri! Tama ka talagang mahusay talaga ang idol natin si FPJ sa ganyang mga intense na mga quotes sa kanyang pelikula. He's my lifetime best actor. You're also right Yuri that FPJ is enjoying life in heaven and I know he's even happier na nalalaman nyang ang kanyang mga naiwan ditong legions of fans ay talaga namang nandito pa rin na patuloy na nagmamahal, sumusuporta, at talagang hindi nakakalimot gaya ng mga ganitong okasyon sa buhay nya. FPJ really lives on sa puso ng mga nagmamahal sa kanya gaya natin. thanks

zaldy lazaro said...

talagang iisa lang ang hari ng pelikulang pilipino hanggang ngayon ay walang makapapalit kay fpj, matagal din akong nakasama sa mga pelikula nya bilang stuntman at personal kong napatunayan ang kababaang loob at pusong makamasa ni fpj o na higit na kilala sa tawag na "manager" sya lang ang tanging hari na makakasama mo sa kulitan, kantyawan, biruan at tawanan na di mo iisiping siya ag idolo mong hari ng aksyon. sapagkat likas sa kanya na maging malapit sa mga mababang tao o mahirap nakakatuwa pag naaalala ko na kung minsan pag tumawa si manager matagal at halos di makapag trabaho sa kakatawa humahagikgik nakakatuwa dahil pati ikaw madadala sa kanyang tawa. nakalulungkot lang isipin na di ko na muli pang maririnig ang tawang iyon. kaya naman ako kahit lalaki di ko napigilang mapaluha ng pumanaw ang taong pinagkautangan ko ng minsan ng aking hanapbuhay, napakabait ni manager. iba siya at wala ng pwedeng pumantay sa nagiisang hari dahil siya lamang ang HINUBOG at PINANDAY ng panginoong maykapal upang magbigay saya sa puso at isipan ng bawat pilipin. iisa lang ang FERNANDO POE JR. kung saan ka man naroon manager maraming maraming salamat po!

Evangeline said...

Message ito, para kay Zaldy Lazaro...Salamat sa iyong mga salita tungkol kay FPJ...siya talaga ang pinakamabait at miss din namin ang kanyang nakakahawang tawa..
we miss him terribly !!

joselito said...

tahimik at masaya sana ang buhay mo, dahil na rin sa mga kaibigang nagtulak sa yo sa pulitika, sila dapat ang makonsensiya... hanggang kamatayan mo ay ginagamit ka pa rin nila . . .

ryan for FPJ said...

talagang FPJ lives on,,,for me nobody does it better. pag siya na ang bumitaw ng linya talagang makatutuhanan,,,

RYAN FOR FPJ said...

hindi lahat ng taong nakikipaglaban ay pawang magigiting at dapat hangaan,dapat munang pag aralan bago palakpakan kung tama o mali ang paninindigan,