“I would highly appreciate very much if you would at least acknowledge any materials used or at least ask for a permission first. All materials, unless specified, are the personal property of the blog owner. Thank you very much!”


Tuesday, October 2, 2007

CINEMA FPJ: Da King on ABS-CBN


Magpupugay ang ABS-CBN kay Fernando Poe Jr. sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula nito simula Oktubre 20 sa CINEMA FPJ: Da King on ABS-CBN.


Nakuha ng Dos ang exclusive rights sa movie library ni Da King matapos lumagda sa kasunduan ang network at ang biyuda ng aktor na si Susan Roces. "Nakatataba ng puso na malaman na buhay pa ang alaala ni FPJ sa puso at isipan ng mga Pilipino," sabi ni Susan.

"Wala nang mas maganda pang paraan para bigyan siya ng pugay kung hindi sa pagpapalabas ng kanyang mga pelikula kung saan siya unang nakilala at minahal ng sambayanan."


Mapapanood naman sa Disyembre ang isang music video na ginawa ni FPJ bago siya mamatay.

Bahagi ito ng TV special kaugnay sa nalalapit na 3rd death anniversary ng aktor. Ang music video ay naglalaman ng musical scenes na pinili ni FPJ mula sa kanyang mga pelikula.


Nakuha rin ng Kapamilya Network ang rights sa 12 pelikula ni Susan, kabilang ang Patayin Mo Sa Sindak si Barbara.

1 comment:

ronuel said...

Sa wakas. Salamatonon.