“I would highly appreciate very much if you would at least acknowledge any materials used or at least ask for a permission first. All materials, unless specified, are the personal property of the blog owner. Thank you very much!”


Tuesday, September 15, 2009

"SI MANAGER!" --- ISANG PAGBIBIGAY RESPETO MULA SA ISANG 'STUNTMAN'

I received this emotional message in my comment box from one Zaldy Lazaro, who identified himself as a stuntman and had worked with FPJ in many of his films.


“talagang iisa lang ang hari ng pelikulang pilipino hanggang ngayon ay walang makapapalit kay fpj, matagal din akong nakasama sa mga pelikula nya bilang stuntman at personal kong napatunayan ang kababaang loob at pusong makamasa ni fpj o na higit na kilala sa tawag na "manager" sya lang ang tanging hari na makakasama mo sa kulitan, kantyawan, biruan at tawanan na di mo iisiping siya ag idolo mong hari ng aksyon. sapagkat likas sa kanya na maging malapit sa mga mababang tao o mahirap nakakatuwa pag naaalala ko na kung minsan pag tumawa si manager matagal at halos di makapag trabaho sa kakatawa humahagikgik nakakatuwa dahil pati ikaw madadala sa kanyang tawa. nakalulungkot lang isipin na di ko na muli pang maririnig ang tawang iyon. kaya naman ako kahit lalaki di ko napigilang mapaluha ng pumanaw ang taong pinagkautangan ko ng minsan ng aking hanapbuhay, napakabait ni manager. iba siya at wala ng pwedeng pumantay sa nagiisang hari dahil siya lamang ang HINUBOG at PINANDAY ng panginoong maykapal upang magbigay saya sa puso at isipan ng bawat pilipino. iisa lang ang FERNANDO POE JR. kung saan ka man naroon manager maraming maraming salamat po!”


Zaldy Lazaro

stuntman


1 comment:

roland273839 said...

Maraming salamat sa yo sa pagbibigay ng napakagandang pagpupugay sa ating minamahal na FPJ. Wala talaga siyang katulad at talaga namang mamimiss natin very deeply /terribly si FPJ... Talagang masakit mawalan ng isang idolo at kaibigan na katulad nya...