“I would highly appreciate very much if you would at least acknowledge any materials used or at least ask for a permission first. All materials, unless specified, are the personal property of the blog owner. Thank you very much!”


Thursday, January 26, 2012

"LOS PALIKEROS" (1963): FPJ'S MOST HATED MOVIE

In an article interview with Intrigue Magazine dated January 27, 1994, action king Fernando Poe, Jr. willingly shared and revealed to a group of movie scribes his most hated movie and candidly tell all about it... one of Da King's wittiest moments...




(Thanks to Eric Nadurata for the article)
Siyempre, kung mayroong pelikulang gustung-gusto alalahanin at gawan ng sequel, o kaya’y maging basehan sa isa pang ulit na matinong pelikula, meron ding pelikulang gusto nang kalimutam ni FPJ.
“ ‘Yong ginawa namin sa Amerika. Kaming dalawa ni Erap (Vice President Joseph Estrada),” sabi nga ni FPJ, kahit best friend niyang itinuturing si JE na ngayo’y Chairman pa ng PACC (Presidential Anti-Crime Commission).
“You know, ni hindi ko ibinenta sa GMA ‘yon, sa kahihiyan,” kuwelang banggit pa ni FPJ, na ang tinutukoy ay isang pelikulang may pamagat na Los Palikeros.“Kami ni Erap pang bida. Los Palikeros ba ‘yon? pag-ulit ni FPJ. “Title pa lang, o talo na! First day, last day na ‘yon. Kami ni Erap pang bida.” Would you believe, ang pinaka-hate na pelikula ni FPJ ay kinunan pa sa Amerika?
“Pumunta kami sa States to do that movie. Actually, mahabang istorya ‘yan, eh,” nag chain reaction nga lang daw, according to FPJ pa rin.
Siyempre, kuwento ulit.
“Pumunta kami ni Paquito (Diaz) sa Tokyo, “ bungad ulit na kuwento ni FPJ, “nabalitaan ni Erap. Bakit daw ang kasama ko lang si Kits? “O, sama ka na, Erap,” pagyaya na rin ni FPJ. “Tapos no’n, nabalitaan ni Pablo Santiago (director). O, pupunta ka ro’n, di pumunta na tayo sa Hawaii…”
“Parami nang parami. So, pumunta kami, around-the-world, para gumawa ng dalawang pelikula,”natatawang wika ni FPJ.
“Ano’ng makikita mo sa ginawa namin?” pagkuwa’y tanong naman niya. “Tumatawid lang kami ni Erap sa kalye, gano’n. Tapos ‘yung corridor ng Sampaguita hotel, du’n natapos ang pelikula! Naka-amerikana pa kami."
Mula sa kuwento ni FPJ, alam mo agad na total disaster ang naturang pelikula nila ni Erap (hindi siguro ‘yon kasing ganda ng napanood naming Ang Agila at ang Araw nila ni Erap, ‘no?). Of course, not! Sabi nga kasi ni FPJ, ang Los Palikeros daw ay ‘yong tipong, “When you go to the movies, thirty minutes lang, gusto mo nang matulog, eh. Gusto mo nang umuwi, eh. You know, I didn’t sell that, ha, ‘yong rights, sa Channel 7, gaya ng maraming FPJ movies ngayon. I didn’t sell that, dahil sa kahihiyan!”
“Imagine, I can easily sell that for 1 million; 1 million is 1 million, pero nakakahiya sa audience!” matapat namang wika ni Ronnie. “Sa kahihiyan sa tao… kahit na libre… baka gusto na tuloy nilang masira ‘yong TV nila! Gano’n kagarapal. Wala ka nang makikita kundi tatawid (sila ni Erap), magda-dialogue, lalakad. Halos… you hardly see any action.”
Sina FPJ at director-prodyuser Cirio Santiago ang nagprodyus ng naturang pelikula, na ayon kay FPJ, wala namang istorya. “Ewan ko, hindi ko na tinanong,” aniya pang natatawa-tawa. “I don’t know if it was color na. Hindi naman talaga pelikula ‘yon, eh.”
Hindi rin daw maituturing na travelogue ang ginawa nila ni Erap. “Hindi bale sana kung magaganda… hindi ba pag travelogue, ‘yong leading man, leading lady, magandang tingnan?” Eh, hindi nga raw gano’n nangyari sa Los Palikeros. “Kaming dalawa ni Erap, ano’ng maganda ro’n? punchline pa ni FPJ, gaya sa tuwing aalaskahin niya ang matalik na kaibigan all these years.
Anupa’t ang sumunod niyang pahayag ang lalong nakapagpahagalpak sa tawa naming ng mga kasamang movie scribes. Sabi ni FPJ, still referring to his and Erap starrer, na silang dalawa nga lang ang mga bida, “Mahahalata pa ang isa sa amin do’n!”
O, ‘di ba? Sampol lang ‘yan kung gaano ka-witty o ng taglay na sense of humor ni Tito Ronnie na ikinatutuwa naming ipaabot sa nakakarami.
By William R. Reyes
Intrigue Magazine

January 27, 1994

(Source: Literary Song-Movie Magazine/ 1963)


"Los Palikeros" (1963)- Stars Fernando Poe, Jr., Joseph Estrada, Paquito Diaz, Vic Diaz, Arabella Harmon and Maggie dela Riva/ Directed by Cirio H. Santiago and Armando A. Herrera

No comments: